Lider ng Sayyaf dedo

MANILA, Philippines - Napaslang ang isa sa lider ng mga bandidong Abu Sayyaf Group matapos makasagupa ang tropa ng Philippine Army sa liblib na bahagi ng Brgy. Lower Sinangkapan sa bayan ng Tuburan, Basilan noong Martes ng umaga. Kinilala ni Army Chief Lt. Gen. Arthur Ortiz  ang napatay na lider na si Suhud Ta­nadjalin matapos salakayin ng Charlie Company ni 1st Lt. Olarte ang pinagkukutaan ng grupo ni Tanadjalin. Ang tatlo pang tauhan ni Tanadjalin ay mabilis na nagsitakas at inabandona ang bangkay ng kanilang lider. Sinabi ni Ortiz na wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng militar.

Show comments