Beybi iniwan sa pintuan ng ospital

CAVITE , Philippines  — Isang sanggol na babae na pinaniniwalaang bagong silang ang inabandona ng hindi kilalang ina sa pintuan ng emergency room ng ospital sa bayan ng Alfonso, Cavite kamakalawa ng umaga.

Nadiskubre ni Josefina Arguelles, 59, cook sa Diet­ary Section ng Dela Salle Dr. Poblete Memorial Hospital, ang sanggol na nakabalot sa tela at patay na.

Samantala, isa sa mga nakatalaga sa General Service Employee na Allan Solonia na nakakita sa isang babae na may taas na 5’2”, nakasuot ng pajama at dark colored jacket na may hood na nagpunta sa emergency room area at pagkatapos nito ay hindi na nakitang bumalik.

Patuloy naman ang pagsisiyasat ng pulisya.

Show comments