Kawani ng LTO dedo sa road mishap

KIDAPAWAN CITY , Philippines  – Nabasag ang bao ng ulo at nagkabali-bali ang kamay ng isang 36-anyos na kawani ng Land Transportation Office (LTO) makaraang sumalpok sa kasalubong na kotse sa kahabaan ng highway sa Barangay Paco, Kidapawan City, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Moloy Cabantog habang sugatan naman ang mga sakay ng kotse na sina Harold Barius, 20, kanyang mag-ina at kasambahay, pawang nakatira sa Barangay New Cebu sa bayan ng President Roxas.

Ayon sa police report, binabaybay ni Cabantog ang highway nang biglang gumewang-gewang ito saka sumalpok sa KIA Avila ni Baruis.

Ayon kay SPO2 Raymundo Lam-an, hepe ng Traffic Unit ng Kidapawan City PNP, walang driver’s license si Barius habang lango naman si Cabantog.   

Show comments