Chairwoman itinumba

MANILA, Philippines - Sinalubong ni kamata­yan ang isang 51-anyos na barangay chairwoman ma­tapos pagbabarilin ng dalawang armadong kala­lakihan na magkaangkas sa motorsiklo sa Barangay Quintong sa San Carlos City, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ang napaslang na si Conrada Posadas na misis ni ex-San Carlos City Councilor Butch Posadas.

Sa police report na na­karating kahapon sa Camp Crame, naganap ang pamamaslang bandang alas-8 ng gabi habang pauwi na ang biktima.

Nabatid na nakipagpulong ang biktima sa kaniyang mga kasamahan sa barangay hall kaugnay sa mga proyekto nito.

Lumilitaw na inabangan ng motorcycle-riding gunmen ang pag-uwi ni Chairwoman Posadas saka ito niratrat habang naglalakad.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments