^

Probinsiya

Bagong mayor sa Zambales manunumpa

- Ni Randy V. Datu -

SAN ANTONIO, Zambales, Philippines – Nakatakdang manumpa bilang bagong alkalde ng San Antonio, Zambales si Dr. Estela Deloso-Antipolo makaraang ideklara ng Comelec na siyang nanalo sa mayo­ralty race laban kay dating Mayor Romeo Lonzanida noong Mayo 2010.

Sa 6-pahinang desis­yon ng Comelec En Banc na pinamumunuan ni Chairman Sixto Brillantes, Jr. pinawalang bisa ang pro­klamasyon ni Lonzanida bilang nanalong mayor noong nakaraang eleksyon.

Batay sa rekord, kinansela ng Comelec 2nd Division ang certificate of candidacy ni Lonzanida base na rin sa ipinalabas na resolusyon noong Pebrero 18, 2010.

“Respondent Lonzanida was never a candidate for the position of Mayor of San Antonio, Zambales. Consequently, Antipolo, who remains as the sole qualified candidate should now be proclaimed as the duly elected Mayor,” pahayag ng Comelec.

Inatasan na rin ng Co­melec na bakantihin ni Vice Mayor Efren Racel Aratea ang pagiging alkalde at mapayapang isalin ang tanggapan ng Mayor kay Antipolo.

“Ang desisyon ng Come­lec sa nagpapawalang bisa sa kandidatura ni dating Mayor Lonzanida at pagkilala sa kanya bilang tunay na nanalong mayor ay napakalaking tagumpay sa bayan ng San Antonio at makakaasa ang mamamayan ng tunay na pagmamahal at paglilingkod sa kanila, “ pahayag ni Antipolo.  

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

COMELEC

COMELEC EN BANC

DR. ESTELA DELOSO-ANTIPOLO

LONZANIDA

MAYOR

MAYOR LONZANIDA

MAYOR OF SAN ANTONIO

MAYOR ROMEO LONZANIDA

SAN ANTONIO

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with