2 estudyante nalunod

MANILA, Philippines –  Kamatayan ang sumalubong sa dalawang estudyante na nagdaraos ang victory party kaugnay sa katatapos na Ati-Atihan Festival makaraang kapwa malunod sa Beach Terrace Resort sa Barangay Songcolan sa bayan ng Batan, Aklan kahapon ng umaga.

Kinilala ni Aklan ac­ting PNP director P/Senior Supt. Cornelio Defensor ang nasawi si Blessa Idala na namatay may 10-minuto matapos na isugod sa Altavas District Hospital habang narekober naman ang bangkay ni Kevin Bolneo sa dagat. Nasagip naman si Jessabel Marcelio na pawang mga magka­klase sa Altavas National High School sa bayan ng Altavas, Aklan. Nabatid na magkakasamaang 60 freshmen students angnagdaos ng victory party matapos na itanghal na kampeon sa katatapos na Altavas Ati-Atihan Festival.

Show comments