^

Probinsiya

Basurero tinodas ng sekyu

- Ni Cristina Timbang -

CAVITE, Philippines  — Apat na bala ang tumagos sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agarang ikinamatay ng isang basurero matapos na pagbabarilin ng isang sekyu habang namumulot ng basura sa loob ng dumpsite sa Brgy Salawag, Dasmariñas City kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni P/Supt. Gerardo Umayao, hepe rito ki­nilala ang biktima na si Roldan Nalimutan Sevilla, 34-anyos, may asawa, sca­venger at residente ng Brgy San Antonio, San Pedro, Laguna habang mabilis namang tumakas ang suspek na si Junjun Gloria Garcia, 34-anyos, security guard at residente ng Sitio Sila­ngan, Barangay Salawag ng nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO2 Alex Alovera, may hawak ng kaso dakong ala-1 ng hapon ng mamataan ang biktima na pumasok sa loob ng dumpsite upang mamulot ng basura na ka­salukuyang binabantayan ng suspek.

Nagkasagutan umano ang biktima at ang sekyu na humantong sa pamamaril ng huli sa basurero na nasapul ng tama ng bala sa ulo at dibdib na siya nitong ikinamatay.

Narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal.45 pistol.

vuukle comment

ALEX ALOVERA

APAT

BARANGAY SALAWAG

BRGY SALAWAG

BRGY SAN ANTONIO

GERARDO UMAYAO

JUNJUN GLORIA GARCIA

ROLDAN NALIMUTAN SEVILLA

SAN PEDRO

SITIO SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with