^

Probinsiya

Pulis, lider ng PAG utas sa shootout

Nila - Joy Cantos/Victor Martin -

MANILA, Philippines –  Napaslang ang isang parak at ang isang itinuturong lider ng Private Armed Group (PAG ) na pangunahing suspek sa pagpatay sa dalawang opisyal ng PNP noong 2010 sa naganap na engkuwentro sa Gamu, Isabela kahapon ng umaga.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt Agrimero Cruz Jr., naganap ang engkuwentro dakong alas-6:38 ng umaga sa Barangay Guibang, Gamu ng nabangit na probinsiya sa pagitan ng mga awtoridad at grupo ng suspek.

Idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan si SPO2 Rovielle Laggui ng Ist Manuever Platoon ng Provincial Police Security Command.

Kinilala naman ang na­patay na suspek na si  Elmer Aquino alyas Erong na sinasabing principal suspect sa pagpatay kina Inspector Jelowie Antonio at PO3 Jaime Manaligod kapwa kasapi ng Police Intelligence and Security ng Isabela Police.

Nabatid na sina Antonio at Manaligod ay nagsa­sagawa ng casing operation laban sa suspek na iti­nuturong lider ng Private Armed Groups na minamantine ng isang prominenteng pulitiko sa Isabela bukod pa sa pagiging pinuno ng isang cattle rustling group sa lalawigan.

Nabawi sa napaslang na suspek ang isang 9mm Ingram machine pistol at cal. 38 revolver  na pag-aari ng pinatay ng grupo ng suspek na si  Antonio.

BARANGAY GUIBANG

CHIEF SUPT AGRIMERO CRUZ JR.

ELMER AQUINO

GAMU

INSPECTOR JELOWIE ANTONIO

ISABELA

ISABELA POLICE

IST MANUEVER PLATOON

JAIME MANALIGOD

POLICE INTELLIGENCE AND SECURITY

PRIVATE ARMED GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with