13 dedo, sa bakbakan sa Cotabato

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 13-katao ang iniulat na napaslang habang siyam iba pa ang nasugatan sa kaguluhan sa pagitan ng magkalabang paksyon ng Moro National Li­beration Front at Moro Islamic Liberation Front sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng gabi, bandang alas-7 ng gabi nang magsagupa ang grupo nina MNLF Commander Datu Dimaambel at  MILF Commander Kineg Inalang sa hangganan ng Brgy. Langaan at Simoni. Nabatid na nagsimula ang bakbakan ng magkalabang grupo simula pa noong  nakalipas na  linggo at muling sumiklab matapos ang  panununog sa dalawang ektaryang tubuhan at agawan sa lupain sa Barangay Nanga-an. Tatlo ang nasawi at apat ang sugatan sa panig ni Dimaambal habang sa grupo ni Commander Kineg ay sampu ang patay at lima  naman ang sugatan kung saan ang ibang napatay ay pawang mga residente. Sa­mantala, aabot na sa1,000 pamilya ang inilikas sa mga apektadong lugar sa takot na maipit sa bakbakan habang namagitan naman ang tropa ni 7th Infantry Battalion (IB) Commander Col. Domingo Gobway upang pairalin ang peace and order.

Show comments