^

Probinsiya

2 volunteer ng relief team dedo sa NPA

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines -  Dalawang volunteer ng relief operations team ni Agusan del Sur Gov.  Adolph Edward Plaza ang iniulat na nasawi habang isang pulis naman ang nasugatan at isa pa ang binihag sa naganap na pag-atake ng  mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Trento, Agusan del Sur kahapon ng umaga.

Sa phone interview, kinilala ni P/Chief Supt. Reynaldo Rafal, ang mga napaslang na sina Frits Mart Dimzon at isang tinukoy lamang sa pangalang Lito na kapwa miyembro ng Bantay Kalikasan na nag-volunteer na tumulong sa relief operations.

Sugatang binihag naman si PO2 George Cabatin na sinasabing ginawang human shield sa pagtakas habang si PO3 Mario Sevillano na nasugatan naman sa braso at paa ay inabandona ng mga rebelde.

Ayon sa ulat, naghahanda para sa relief operations ang mga volunteer nang umatake ang mga rebeldeng lulan ng dalawang  kinomander na truck mula sa Brgy. Pulang Lupa sa bayan ng Trento.

 Nabatid na tinangay din ng mga rebelde ang 2-M 16 rifles mula sa dalawang pulis at ilang relief goods partikular na ang mga pagkain na ipamimigay sa mga sinalanta ng kalamidad.

ADOLPH EDWARD PLAZA

AGUSAN

BANTAY KALIKASAN

CHIEF SUPT

FRITS MART DIMZON

GEORGE CABATIN

MARIO SEVILLANO

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with