CAVITE , Philippines – Napaslang ang isang 29-anyos na dalagang overseas Filipino workers (OFW) makaraang saksakin ng kanyang nobyong Koreano na nagsaksak din sa sarili kamakalawa ng gabi sa Barangay Fatima 1, Dasmariñas City, Cavite. Kinilala ang napatay na si Luzviminda Uy ng Blk 5, Lot 2, sa nabanggit na barangay habang ginagamot naman ang suspek na si Chong Song Paek, 37. Base sa ulat ni PO2 Rez Alovera, nagtalo ang magkasintahan sa hindi nabatid na dahilan hanggang sa masaksak ng suspek ang kanyang syota. Nang mapatay ang biktima ay nagsaksak sa sarili ang suspek.