Epileptic nalunod

TANAY, RIZA , Philippines — Patay ang isang lalaking epileptic nang atakihin ng kaniyang sakit at mahulog sa fishpond habang nagdidilig ng halaman sa bayang ito. Kinilala ang biktimang si Ryan Perez,  24, may-asawa, at residente ng G7 Barracks, Animas St.,  Camp Gen. Mateo Capinpin, Brgy. Sampaloc, Tanay. Sa pagsisiyasat ni P02 Emmanuel Telado, ng Rizal PNP, na nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong  alas-8:20 ng umaga sa likod ng barracks na tinutuluyan nito. Nagulat na lamang umano si Army 2nd Lt. Johnar Urbano nang makita ang biktimang nakalutang sa fishpond ng kampo, na may lalim lamang na dalawang talampakan. Naisugod pa ang biktima sa Army Station Hospital pero nabigo na itong mailigtas.

Show comments