^

Probinsiya

Explosion: 20 katao sugatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dalawampu katao ang nasugatan matapos na aksidenteng sumabog ang bodega ng isang pabrika ng paputok na pag-aari ng isang negosyanteng Filipino-Chinese nitong Biyernes ng hapon sa Zamboanga City.

Ayon kay Directorate for Integrated Police Ope­rations-Western Min­danao Director Chief Supt. Felicisimo Khu, dakong alas-3:30 ng hapon ng mangyari sa bodega ng Pacific Industrial Hardware Warehouse na pag-aari ng negosyanteng si Benjamin Chiong sa Nunez Extension St malapit sa isang hospital sa lungsod.

Kabilang sa mga nasu­gatan na isinugod sa paga­mutan ay nakilalang sina Romel Handiman, Maria Sonia Rebela, Evangeline Tuazon, Shairmaine Tubala, Vilma Wasara, Claudia Wasara, Liezle Ann Marie Rena Reda, Merlyn Reyes, Donelyn Dagalea; mga tinukoy lamang sa pangalang Jayson, Kristel, Anthony atbp., pawang nilalapatan na ng lunas sa Zamboanga City Doctors Hospital.

Sa lakas ng pagsabog sa nasabing imbakan ng fireworks at maging ng mga paputok ay lumikha ito ng sunog sa lugar, ayon pa kay Khu.

Base sa impormasyon ang nasabing mga nakaim­bak na paputok ay gaga­mitin sa pagsalubong sa Chinese New Year sa Pebrero 3 na ipinagdiriwang ng mga Filipino-Chinese community sa bansa.

Patuloy ang imbestigasyon sa kasong ito.

vuukle comment

BENJAMIN CHIONG

CHINESE NEW YEAR

CLAUDIA WASARA

DIRECTOR CHIEF SUPT

DONELYN DAGALEA

EVANGELINE TUAZON

FELICISIMO KHU

FILIPINO-CHINESE

INTEGRATED POLICE OPE

LIEZLE ANN MARIE RENA REDA

MARIA SONIA REBELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with