^

Probinsiya

2 itinumba sa waiting shed

- Ni Boy Cruz -

SAN ILDEFONSO, Bulacan, Philippines — Napaaga ang salubong ni kamatayan sa dalawang lalaki matapos ang mga itong pagbabarilin ng motorcycle riding in tandem habang nag-aabang  ng masasakyan sa waiting shed sa bayang ito kahapon ng umaga. Hindi na umabot pa ng buhay matapos isugod sa ospital ang mga biktima na nakilalang sina Jose Jimenez, 42 ng Brgy. Maasim at Romeo Veneracion, 56 ng Brgy. Sapang Putik kapwa sa San Ildefonso. Sa imbestigasyon, dakong alas-7:15 ng umaga habang nag-aabang ng masasakyan ang dalawang biktima sa waiting shed ng Maharlika highway sa bayang ito ng biglang sumulpot ang mga armadong suspek na magkaangkas sa Honda XRM motorcycle na walang plaka. Armado ng cal 9 MM pistol ay bigla na lamang niratrat ng mga suspek ang mga biktima na siya ng mga itong ikinasawi. Patuloy ang imbestigas­yon ng pulisya sa motibo ng krimen. 

ARMADO

BRGY

BULACAN

JOSE JIMENEZ

MAASIM

MAHARLIKA

ROMEO VENERACION

SAN ILDEFONSO

SAPANG PUTIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with