^

Probinsiya

Nene ni-rape ng 14-anyos

- Ni Tony Sandoval -

QUEZON, Philippines – Maagang napariwara ang kapurihan ng isang 10-anyos na babae makaraang halayin ng kanyang kapitbahay na 14-anyos na lalaki sa Sitio Manggahan, Barangay Pagsangahan sa bayan ng San Francisco, Quezon kamakalawa ng gabi.

Sumasailalim na sa counselling ang biktimang itinago sa pangalang Judy habang nasa pangangalaga naman ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development ang suspek na itinago rin sa pangalang Ramon, kapwa mag-aaral sa Pagsangahan Elementary School.

Ayon kay PO3 Levy Alvasan, magkasamang nagla­lakad pauwi ang dalawa nang hatakin ng suspek ang biktima sa loob ng Day Care Center.

Nang umuwi sa kanilang bahay ang biktima ay ikinuwento nito sa mga magulang ang sinapit sa kamay ng suspek.

Sa pagsusuri ng medico legal team, lumabas na positibong ginalaw ang biktima habang sinabi naman ng suspek na ginaya lamang niya ang napapanood na eksena sa pornographic VCD ng isa sa kanilang kapitbahay.

vuukle comment

AYON

BARANGAY PAGSANGAHAN

DAY CARE CENTER

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

LEVY ALVASAN

MAAGANG

NANG

PAGSANGAHAN ELEMENTARY SCHOOL

SAN FRANCISCO

SITIO MANGGAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with