^

Probinsiya

Obrero nilamon ng mixer

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines – Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang manggagawang lalaki makaraang lamunin ng makina ng longganisa ang kanyang katawan sa loob ng pabrika sa San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng umaga.

Hindi na nagawa pang tulungan ng mga kapwa manggagawa si Rodel Cacho ng N.Toledo Longganisa Factory sa Pecsonville Subd., Barangay Tunggkong Mangga. Si Cacho ay kamag-anak ng may-ari ng pabrika na si Nora Toledo.

Lumilitaw na abala ang biktima sa kanyang trabaho na ipinapasok ang mga karne ng baboy sa mala­king meat mixer nang sumama ang kanang kamay nito sa matalim na blade.

Agad namang sumaklolo ang mga kasamahan ngunit hindi na nagawang hugutin pa mula sa meat mixer at tuluyang humalo sa mga karne ng baboy ang katawan ng biktima sa ginagawang longganisa. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

vuukle comment

BARANGAY TUNGGKONG MANGGA

BULACAN

LUMILITAW

MALAGIM

NORA TOLEDO

PECSONVILLE SUBD

RODEL CACHO

SAN JOSE DEL MONTE CITY

SI CACHO

TOLEDO LONGGANISA FACTORY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with