OLONGAPO CITY, Philippines – Pinaniniwalaang nalango sa bawal na droga ang isang 16-anyos na lalaki kaya napagtripang mag-suicide sa bakuran ng kanilang tahanan sa Barangay Barretto, Olongapo City, kamakalawa ng umaga. Kinilala ni P/Senior Insp. Zaldy Lising ang nagbigti na si Jayson Luna ng #16 Gabaya Street sa nabanggit na barangay. Ayon sa ulat, huling namataang buhay si Luna na naglalakad na pasuray-suray na animoy lango sa droga. Kinumpirma naman ng ilang kabataan na gumagamit ng rugby ang biktima kung saan pinatotohanan din ng kanyang tiyahin.