^

Probinsiya

Baby tinodas ni mommy

- Ni Ed Casulla -

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang sanggol na lalaki sa kamay ng sariling ina na sinasabing tinakpan ng unan ang mukha ng bata kahapon ng umaga sa Barangay 4, sa bayan ng Garchitorena, Camarines Sur.

Nakilala ang napaslang na si Eduardo Bermel, 6- buwang gulang habang naaresto at pormal na kakasuhan ng pulisya ang suspek na si Marites Bermel, 34.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na nai­rita ang suspek sa patuloy na pag-iyak ng kanyang anak bandang alas-10:30 ng umaga.

Napag-alaman kinarga at idinuyan pa ng suspek ang bata subalit patuloy pa rin sa pag-iyak kaya pabagsak na inilapag ang sanggol.

Nang ayaw pa ring tumigil sa pag-iyak ay tinakpan na ito ng unan sa mukha kung san ilang minuto pa ang nakalipas ay nakasalubong na ng sanggol si kamatayan.

Ipinagbigay-alam naman ng ilang kapitbahay sa pulisya ang naganap na insidente para panagutan ang suspek.

vuukle comment

ALBAY

CAMARINES SUR

EDUARDO BERMEL

GARCHITORENA

IPINAGBIGAY

LUMILITAW

MARITES BERMEL

NAKILALA

NANG

NAPAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with