Barangay chairman itinumba
MANILA, Philippines - Napaslang ang isang 49-anyos na barangay chairman makaraang ratratin habang patungo sa meeting ng barangay sa bayan ng San Fabian, Pangasinan kamakalawa ng gabi. Namatay habang ginagamot sa Regional 1 Medical Center sa Dagupan City si Chairman Arsenio Bucao ng Barangay Took habang tinamaan naman ng ligaw na bala ng baril ang dalawang sibilyan na sina Leonor Tabula, 56; at Janet Jugo, 25. Base sa police report 1, naglalakad ang biktima mula sa parking lot sa bahagi ng Barangay Poblacion at patungo na sana sa kabilang kalsada para dumalo sa pagpupulong nang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan.
Gayon pa man, nagkataong naglalakad sa nasabing lugar sina Tabula at Jugo nang tamaan ng ligaw na bala.
- Latest
- Trending