Nurse nagbaril sa ulo, todas

LUCENA CITY , Philippines -  – Pinaniniwalaang problema sa nobyo ang isa sa motibo kaya nagbaril sa ulo at namatay, ang isang registered nurse sa Sacred Heart Subdivision, Barangay 11 sa Lucena City, Quezon. Kinilala ng pulisya ang nag-suicide na si Pierre Joseph Jalago, 26, ng Purok Maganda, Barangay Gulang-gulang. Ayon kay PO2 Alvin Evangelista, nagtungo sa boarding house ng kanyang kaibigang si Jeffrey Bautista ang biktima at inihinga ang sama ng loob kaugnay sa lumalabong relasyon sa syota na si Fatima ng Pagbilao, Quezon. Nang pumanhik sa ku­warto si Bautista  ay nakarinig siya ng malakas na putok mula sa sala kung saan nakabulagta at naliligo sa sariling dugo ang biktima. Sa pag-iimbestiga ni PO2 Evangelista sa nobya ng biktima ay inamin ni­tong may pinagdadaanang problema ang kanilang relasyon ng biktima subalit hindi nito inakala na maagang tatapusin ang buhay.

Show comments