Jeepney vs truck: 5 patay

MANILA, Philippines –  Lima katao ang nasawi habang  24 ang nasugatan makaraang aksidenteng magsalpukan ang isang 10 wheeler truck at kasalubong nitong pampasaherong jeepney at sa kahabaan ng highway ng Brgy. Tablon, Cagayan de Oro City kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Maritess Butron, 42, Ralph Buyante, 21; pawang binawian ng buhay sa Capitol University Medical City; Mary Jinky Abay-Abay at Hilda Olape at Eula Conales; pawang dead-on-arrival sa pagamutan habang hindi naman natukoy ang pangalan ng isa pang nasawing biktima.

Samantalang ang mga nasugatan ay kinabibilangan naman nina Ashlee Ferrer, Jocelyn Simbolas, Dereck Butron, Jocelyn Menuro, Adrianne Lago, Melita Macabuac, Lalaine Ching, Melanie Mayoan, Mae Theresse Sanchez, Jerg Maruan, driver ng jeepney na si Jessie Balaba, Ismael Ubing, Awal Makatanao, Jennifer Gaid, Reynaldo Malacay, Clarisse Delfin at iba pa.

Base sa ulat, na nakarating sa Camp Crame, kasaluku­yang bumabagtas sa lugar ang Isuzu truck na minamaneho ni Roy Montecalbo ng makabanggaan nito ang nasabing jeepney na matulin ang takbo sa kahabaan ng highway ng nasabing lugar bandang alas-12 ng tanghali.

Sumuko naman ang driver ng truck na si Roy Montecalbo sa mga awtoridad ilang oras matapos itong tumakas sa lugar ng banggaan.

Show comments