Putol na kamay sa unibersidad

CAMARINES NORTE, Philippines — Nagulantang  ang mga estudyante at guro ng Ateneo de Naga University matapos na matagpuan ang putol na kanang kamay ng tao sa ba­surahan ng Gate 3 ng nabanggit na unibersidad kahapon ng umaga sa Brgy. Quebarac Bagumbayan Sur, Naga City, Camarines Sur. Ayon sa pulisya, nakita ito ni Jeery Valenzuela sa basurahan dakong alas-8 ng umaga kaya kaagad na ipinagbigay-alam sa kinauukulan. Ayon kay PO3 Toby Bongon, ng Naga City PNP, mula sa babae ang putol na kamay na nakabalot pa sa plastic. Patuloy namang  pinaghahanap ang katawan upang matukoy ang pagkakakilanlan.

Show comments