^

Probinsiya

Bata dedo sa road mishap

- Ni Cristina Timbang -

CAVITE, Philippines – Namatay ang siyam na buwang gulang na bata habang sugatan naman ang kanyang nanay at utol makaraang sumalpok ang kanilang traysikel sa likurang bahagi ng kotse na biglang tumigil sa gitna ng Jose Abad Santos Avenue, Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa. Kinilala ang nasawi na si Allister Bunyi habang sugatan naman ang ina na si Maricel Bunyi, 29; at si Anne Vernice Bunyi, 4, pawang nakatira sa Blk 9, Lot 39, Summer Hills Subd sa Brgy Molino 5 sa bayan ng Bacor, Cavite. Base sa police report, lulan ng traysikel (WU 6945) ni Joseph Morejon ang mag-iina nang sumalpok ito sa likurang kotse (conduction sticker MF0503) ni Sarah Jane Lyn Poot, 22, ng Goldlane Subd. Brgy. Anabu 1, Imus, Cavite. Nayupi ang unahan ng traysikel kung saan naipit ang bata. Nabatid na nagkaaberya ang makina ng kotse kaya napatigil sa gitna ng kalsada kung saan naganap ang sakuna.

ALLISTER BUNYI

ANNE VERNICE BUNYI

BARANGAY SALAWAG

BRGY MOLINO

CAVITE

GOLDLANE SUBD

JOSE ABAD SANTOS AVENUE

JOSEPH MOREJON

MARICEL BUNYI

SARAH JANE LYN POOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with