19-anyos ni-rape, pinugutan
CAVITE, Philippines – Brtual na kamatayan ang sinapit ng isang 19-anyos na dalaga makaraang halayin ay pinugutan saka inabandona sa liblib na bahagi ng Barangay Urdaneta sa bayan ng Magallanes, Cavite kamakalawa ng gabi.
Bandang alas-7 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Mary Jane dela Vega ng Sitio Pintong Gubat sa nabanggit na barangay.
Tugis naman ng mga operatiba ng pulisya ang suspek na si Cesar Catipon na sinasabing may nakabinbing kasong murder sa mababang korte.
Sa ulat ni PO1 Archie Arceo, huling namataan ang biktima na may kasamang dalawang kaibigang babae na pauwi mula sa pag-eensayo ng sayaw.
Sa salaysay ng dalawang kaibigan ng biktima na nakasalubong nila ang senglot na suspek na may hawak na karit bandang alas-9 ng gabi noong Lunes.
Dito na hinablot ang biktima sabay tutok ng karit kung saan ‘di-na makapalag ang dalawa sa takot na madamay.
Kaagad naman ipinagbigay-alam sa pulisya ang naganap na insidente hanggang sa matagpuan ang katawan ng dalaga na nakahiwalay ang ulo.
- Latest
- Trending