^

Probinsiya

Binata kinagat ng bampira

- Ni Malu Cadelina Manar -

KIDAPAWAN CITY , Philippines   – Mistulang isang eksena sa teleseryeng 'Immortal' ng ABS-CBN, isang 21 anyos na binata umano’y kinagat ng matandang babaeng hinihinalang bampira na nakasalubong nito sa gubat sa Brgy. Cana-an, Antipas, North Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang binata na si Ramil Evangelista, na ayon sa kuwento ng ina nitong si Felomina kapag nagwawala ang anak ay nanlilisik ang mga mata nito at nais mangagat ng tao na animo’y isang mabangis na 'bampira'.

Nasaksihan rin ni Rico dela Peña, matalik na kaibigan ni Ramil, ang pagwawala nito na tila humahaba ang kuko, nangangalmot ang mga kamay at nanghahabol ng tao para kagatin.

Sinabi ng ina nito na sobrang malakas si Ramil na hindi kayang pigilan ng lima katao na kaya nitong balyahin saka magtatakbo ito at maging ang pamang­kin nitong si Rina ay tila sinasaniban rin.

Nabatid sa ina ni Ramil na tuwing Biyernes ay sinusumpong ang kaniyang anak na dumaraing ng pananakit ng tiyan at kasunod nito ay magwawala na umano ito na sa sobrang lakas matapos sapian ng masamang espiritu ay madalas makatakas at kanilang hinahabol upang hindi makapanakit ng mga tao.

Sinasabing noong Disyembre 17 ng nakalipas na taon habang papauwi na galing sa Christmas party ay may nakasalubong na matandang babae si Ramil sa may bandang ilog sa kagubatan.

Nagbago umano ang itsura ng matanda na kumulubot ang mukha, sinakal si Ramil at saka kinagat kung saan makalipas ang ilang linggo ay naging abnormal na ang buhay ng binata na nabigong mapagaling ng mga sumuring albularyo.

Kaugnay nito, umapela ng tulong sa gobernadora ng North Cotabato at mga lokal na opisyal ng bayan ng Antipas ang pamilya ng binata upang maipagamot at mapagaling ito.

ANTIPAS

BIYERNES

BRGY

CANA

DISYEMBRE

FELOMINA

KAUGNAY

NORTH COTABATO

RAMIL

RAMIL EVANGELISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with