Tsinoy trader ginilitan
MANILA, Philippines - Isang negosyanteng Tsinoy ang iniulat na ginilitan saka itinapon ang bangkay sa bahagi ng Purok 6, Barangay Communal Buhangin sa Davao City kamakalawa.Nagtamo ng malalim na hiwa sa kaliwang pisngi at tatlong malalalim na laslas sa leeg si Elricson Kevin Chan Uy. Base sa inisyal na imbestigasyon, isang kulay kayumangging Starex van ang sinasabing nagtapon ng bangkay ng biktima. Isinailalim na sa awtopsiya sa St. Peter Funeral Parlor sa Davao City ang bangkay ng biktima habang narekober naman ang cellular phone nito. Pinaniniwalaang pinaslang sa ibang barangay ang biktima at itinapon sa nabanggit na lugar upang ilihis ang imbestigasyon.
- Latest
- Trending