^

Probinsiya

'Panlilinlang' ng mga opisyal kinondena

-

LAGUNA , Philippines  —Lalo lamang idiniin ni Calamba City Mayor Joaquin Chipeco ang sarili kaugnay sa sinasabing pakipagsabwatan sa National Bureau of Investigation at ilan pa para mapagtakpan ang pinaniniwalaang P26.6 milyong maanomalyang transaksyon ng City Hall dahil sa ipinalathala nitong paliwanag sa mga pahayagan.

Ito ang tahasang sinabi nina Atty. Edgardo Abinales at Dr. Severino Vergara, mga nagsampa ng graft, criminal at administrative charges laban kina Chipeco, NBI chief Magtanggol Gatdula at iba pa kung saan mariin din nilang kinondena ang sinasabing panlilinlang ng mga opisyal.

“Incredible itong si Mayor Chipeco, hindi kapani-paniwala ang paliwanag niya. Una, bakit noong April 15, 2010 lang niya ini-report  na may nawawalang dalawang checkbook ang City Hall gayong Peb. at Marso ay inabisuhan sila ng PNB Calamba na may na-encash na mga tseke mula sa mga nawawalang booklet?” pahayag ni Abinales.

Base sa statement of accounts na natanggap ni acting Treasurer Liberty Toledo, matapos maberipika ang signatories sa mga nawawalang tseke ay inaprubahan ng PNB Calamba ang pagbabayad sa mga ito noong Peb. 2, 25 at 26, 2010 at Marso 1, 3, 4, at 30, 2010.

Sa panig ni Chipeco, pineke ang pirma nila ng City Treasurer sa napa-encash na mga tseke.

Pinagdudahan naman ni Abinales ang hindi pagsasampa ng kaso laban sa ‘payees’ sa nai-encash na mga tseke kasama si ex-Vice Mayor Pursino Oruga, na signatory din sa 12 checks, na hindi nagsa­bing pineke ang pirma niya sa mga ito, na hindi man lang inimbestigahan ng NBI. 

“Nakapagtataka kung bakit mula Abril 15 hanggang Sept. 1 ay hindi pinata­wan ng suspensyon ni Chipeco ang mga sangkot na kawani na posibleng nasa likod nang pagkawala ng checkbooks at pamemeke,” pahayag naman ni Vergara

Sinasabi pa ni Vergara na kung talagang determinado si Chipeco na may mapapanagot sa katiwaliang ito ay dapat nagpataw ang alkalde ng preventive suspension o kasuhan ang mga nasa likod ng anomalya.

ABINALES

CALAMBA

CALAMBA CITY MAYOR JOAQUIN CHIPECO

CHIPECO

CITY HALL

CITY TREASURER

DR. SEVERINO VERGARA

EDGARDO ABINALES

MAGTANGGOL GATDULA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with