7 bayan suspendido ang klase
LEGAZPI CITY, Philippines - Sinuspende na ang mga klase sa elementarya at high school sa 7 bayan kabilang na ang Legazpi City matapos ang patuloy na ulan sanhi ng tubig-baha sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Albay. Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, kabilang sa mga bayang sinuspinde ang klase ay ang mga bayan ng Manito, Daraga, Camalig, Sto. Domingo, Malilipot, Bacacay at ang Legazpi City. Ang pagsuspinde sa mga klase ay bilang paghahanda sa nakaambang malawakang pagbaha, landslide at lahar flow dulot ng malakas na ulan. Tinatayang aabot na 25,626 katao ang maapektuhan sa oras na magpatuloy ang ulan kung saan nakahandang ilikas anumang oras ng Albay Public Safety and Emergency Management Office.
- Latest
- Trending