Municipal councilor nilikida

MANILA, Philippines –  Napaslang ang isang municipal councilor matapos na pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa bahagi ng Barangay Plazang Luma, sa bayan ng Arayat, Pampanga kamakalawa. Naisugod pa sa Arayat District Hospital su­balit namatay din si Councilor Francisco Balagtas Jr., may asawa at residente ng Barangay Cacutud, sa nabanggit na bayan. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na lulan ng kotse (NDO-261) ang biktima nang dikitan at ratratin ng motorcycle-riding assassin.

Show comments