SK chairman, 4 pa tiklo sa gang rape

QUEZON, Philippines  - Arestado ang isang tinedyer na SK chairman at apat iba pa matapos na pilahan ang isang 16-anyos na dalagita sa Barangay Bagongbayan sa bayan ng Mauban, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Dahil sa pagiging menor-de-edad ng SK chairman at ng tatlong iba pa ay pansamantalang itinago ang kanilang pagkakakilanlan habang ang isa sa suspek ay kinilalang si Edgar Parmerola, 31, ng Barangay Sadsaran.

Batay sa salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Lorena sa pulisya, lumilitaw na nakipag-inuman ang dalagita at ang kanyang pinsang babae sa bahay ng mga suspek.

Nang malasing ay sapilitan siyang ipinagsama ng mga suspek sa second floor ng bahay at doon ay isinagawa ang maitim na balak.

Nakatakas lamang ang biktima nang makatulog ang mga suspek at naipagbigay-alam sa pulisya ang naganap na krimen.

Show comments