^

Probinsiya

3 Army peace team itinumba

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines –  Tatlong sundalo na kabilang sa Peace and Development Outreach programs ng Philippine Army ang iniulat na napaslang makaraang ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army sa Tagum City, Davao del Norte kahapon ng umaga.

Ayon kay Army’s 10th Infantry Division Spokesman Lt. Col. Medel Aguilar, kabilang sa mga napatay ay sina Pfc. Juan Baluyas, Pfc. Milon Ewik at si Sgt., Eliseo Toque

Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat, bandang alas-7:15 ng umaga habang patungo ang mga sundalong lulan ng motorsiklo sa Purok 4 ng nabanggit na barangay para magsagawa ng peace and development program nang tambangan ng mga rebelde.

Kinondena naman ni Aguilar ang insidente sa pagsasabing sinasabotahe ng mga rebelde ang pagbabago ng istratehiya ng AFP na pangunahing prayoridad ang civil military operations sa mga malalayong komunidad sa bansa.

AGUILAR

AYON

ELISEO TOQUE

INFANTRY DIVISION SPOKESMAN LT

JUAN BALUYAS

MEDEL AGUILAR

MILON EWIK

NEW PEOPLE

PEACE AND DEVELOPMENT OUTREACH

PHILIPPINE ARMY

TAGUM CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with