^

Probinsiya

3 bala 'di-tumagos sa katawan

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE, Philippines — Palaisipan sa mga alagad ng batas ang himalang naganap sa isang 47-anyos na lalaki na sinasabing tatlong ulit na binaril sa likuran subalit 'di namatay sa naganap na pamamaril sa Ba­rangay Bibirao sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Ayon kay SPO2 Ace Juan Flores, ang pa­mamaril kay Augusto Cabarle ng ng Purok 1 ay naganap bandang alas-10:20 ng gabi sa bahagi ng Purok Uno. Nabatid na pinagbabaril ang biktima ng isang nagngangalang Cesar kung saan kaagad naman dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital. Nagtataka ang mga imbestigador dahil halos isang  sugat lamang ang nakitang tama sa likuran ng biktima sa kabila nang tatlong butas na pinagdaanan ng bala sa likuran na pumunit sa damit ni Cabarte. May agimat man o wala ay masasa­bing mapalad pa rin ang biktima dahil sa hindi napuruhan na ngayon ay pinaghahandaan na ang pagsasampa ng kaso laban sa suspek.

vuukle comment

ACE JUAN FLORES

AUGUSTO CABARLE

AYON

BIBIRAO

CABARTE

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE PROVINCIAL HOSPITAL

DAET

NABATID

PUROK UNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with