Utol ng sumukong MILF kumander, itinumba

KIDAPAWAN CITY , Philippines   — Napaslang ang kapatid ng dating miyembro ng pasaway na Moro Islamic Liberation Front rogue element na sumuko sa military matapos tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Sitio Matampay, Poblacion 1, sa bayan ng Banisilan, North Co­tabato kamakalawa. Kinilala ni Army’s 6th Infantry Division Spokesman Col. Prudencio Asto ang napaslang na si Fhiron Naki, 42, miyembro ng mga lawless MILF group at utol ni Kumander Faron Naki na sinasabing sangkot sa pananabotahe sa peace talks. Bandang alas -7 ng umaga nang ratratin ng mga armadong kalalakihan ang sasakyan ni Fhiron. Samantala, sinisilip ng mga awtoridad ang anggulong clan war ang isa sa motibo ng pamamaslang. Malu Cadelina Manar

Show comments