Police chief inutas ng deputy

MANILA, Philippines - Napaslang ang hepe ng pulisya makaraang pagbabarilin ng kanyang deputy na lango sa alak sa harapan mismo ng presinto sa bayan ng Talavera, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa likurang bahagi ng katawan si P/Supt. Ricardo Dayag Jr., 47, habang nakakulong naman sa Police Regional Office sa Cabanatuan City ang suspek na si P/Inspector Bernardo Castro, deputy chief of police. Lumilitaw na lango sa alak si Castro nang dumating sa himpilan ng pulisya kung saan walang habas na nagpapaputok ng baril. Dahil dito, lumabas si P/Supt.Dayag para sawayin si Castro subalit nakipagtalo sa kanyang superior Pagtalikod ni Dayag para muling pumasok sa himpilan ay pa-traidor na pinagbabaril ni Castro.

Show comments