PAGs namaril: Ama dedo, 3 grabe

MANILA, Philippines - Napatay ang isang 50-anyos na ama habang sugatan naman ang kanyang mag-iina makaraang pagbabarilin ng mga miyembro ng Private Armed Groups (PAGs) habang naghahapunan sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao kamakalawa. Kinilala ni Army’s 6th Infantry Division Spokesman Col. Prudencio Asto, ang nasawi na si Tungal Dilon habang ginagamot naman sa Maguindanao Provincial Hospital sina Amidia, 16; Myla, 6; at si Catambal, 40. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang alas- 7 ng gabi habang naghahapunan ang mag-anak sa kanilang tahanan sa Sitio Pasuk, Brgy. Tuka nang ratratin ng mga armadong kalalakihan. Nabatid na si Tungal ay talunang kandidatong barangay councilor noong Barangay at Sanggunian Kabataan elections.

Show comments