Ambulansya vs tricycle: 3 sugatan
Camp Nakar , Lucena City, Philippines —Tatlo katao ang nasugatan makaraang isa na namang ambulansya ang masangkot sa sakuna sa lansangan nang makabanggaan ang kasalubong na tricycle sa provincial road ng Mauban, Quezon kamakalawa ng gabi. Isinugod sa Mauban District Hospital ang mga biktimang sina Arnido Aquino, 34, driver ng tricycle; mga pinsan nitong sina Rosabel at Lorena Aquino. Ayon kay Mauban Chief of Police, Chief Inspector Arvin de Asis, bandang alas-11 ng gabi ng mangyari ang insidente habang patungo sa Lucena City ang magpipinsang sina Aquino ng makabanggaan ang ambulansya ng lokal na pamahalaan na may plakang SJS-219 na minamaneho naman ni Efren Alimirez. Arestado naman ang driver ng ambulansya na empleyado ng Mauban Municipal Station at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries.
- Latest
- Trending














