Konsehal, anak niratrat

MANILA, Philippines –  Hindi na umabot ng Bagong Taon ang isang brgy. councilor at 9-anyos nitong anak na lalaki makaraang bistayin ng bala ng tatlong hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa Brgy. Katibpuan, Talayan, Maguindanao kamakalawa. Dead-on-the-spot sa insidente ang mag-amang kinilalang sina Tho Kasim Panalangin, 23 taong gulang at ang anak nitong si Puti Panalangin. Batay sa report ng Maguindanao Police, bandang alas-8:10 ng umaga habang ang mag-ama ay lulan ng motorsiklo na bumabagtas sa kahabaan ng Brgy. Katibpuan, Talayan pauwi sa kanilang tahanan ng  harangin ng mga suspek. Armado ng M16 rifles ay pinaulanan ng bala ng mga suspek ang mag-ama na kapwa duguang tumilapon sa sinasakyan ng mga itong motorsiklo saka nilapitan at muling pinagbabaril. Narekober ng mga nagrespondeng awtoridad sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng M16 rifle.

Show comments