^

Probinsiya

Mag-ama kinatay, 1 pa kritikal

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines –  Malagim ang sinapit na kamatayan ng isang mag-ama habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos na tadtarin ng taga ng dalawang  lalaki  na ­puwersahang pumasok sa tahanan ng mga ito sa Brgy. Caburan Small, Jose Abad Santos, Davao del Sur kamakalawa.

Halos humiwalay ang ulo at tadtad rin ng taga sa katawan ang mag-amang sina Berto Simba, 50-anyos at anak nitong si Dandan, 16 anyos; pawang dead-on- arrival sa Tomas Lachica District Hospital.

Nasa kritikal namang kondisyon ang isa pa sa anak ni Berto na si Jay-ar, 15-anyos na inilipat sa Southern Mindanao Medical Center, Davao City bunga ng maselan nitong kondisyon.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 11, bandang alas -3 ng mada­ling araw habang mahim­bing na natutulog ang mag-ama ng puwersahang pasukin ng mga suspek na natukoy na ang magkapatid na sina Gonzales Matanod at Koto Matanod; pawang residente ng Sitio Kikog ng nasabing munisipalidad.

 Agad na pinagtataga ng mga suspek ang nasorpresang mag-ama na nabigong ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Ang mga suspek ay matagal na umanong kaaway na mortal ng pamilya ng mga biktima.

 Ang mga suspek ay natukoy base sa testimonya ng mga kapitbahay ng mga biktima na nakitang tumatalilis sa tahanan ng pamilya bitbit ang duguan pang mga bagong hasang itak na ginamit sa krimen. Nagsasagawa na ngayon ng hot pursuit operations ang mga awtoridad laban sa mga suspek upang pa­nagutin ang mga ito sa batas.

BERTO SIMBA

CABURAN SMALL

DAVAO CITY

GONZALES MATANOD

JOSE ABAD SANTOS

KOTO MATANOD

POLICE REGIONAL OFFICE

SITIO KIKOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with