^

Probinsiya

Grenade attack: 1 sundalo dedo,

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Halos nagutay ang katawan ng isang nasawing sundalo habang isa pa ang nasugatan matapos na hagisan ng granada ang military post na binabantayan ng mga ito ng motorcycle riding in tandem sa Crossing ng Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato nitong Miyerkules ng gabi.

Agad binawian ng buhay sa pagsabog ang nasapul ng granada na si Corporal Rey Osorio habang isinugod naman sa pagamutan si Corporal Acmad Malic.

Ayon kay Major Marlowe Patria, Deputy Spokesman ng Army’s 6th Infantry Division (ID), dakong alas-8:45 ng gabi ng hagisan ng granada ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo ang military post ng Army’s 7th Infantry Battalion (IB).

Sinabi naman ni Lt. Col. Domingo Gobway, Commanding Officer ng 7th IB na pinaniniwalaang mula sa lawless group ng mga rebeldeng Muslim ang nasa likod ng insidente.

Kaugnay nito ipinag-utos na ni Gobway ang pagpapalakas pa ng checkpoint at chokepoints sa lahat ng entry at exit points sa lugar upang maiwasang maulit pa ang insidente.

AYON

BRGY

COMMANDING OFFICER

CORPORAL ACMAD MALIC

CORPORAL REY OSORIO

DEPUTY SPOKESMAN

DOMINGO GOBWAY

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

MAJOR MARLOWE PATRIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with