^

Probinsiya

Pambobomba sa Sulu provincial capitol silat

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nasilat ng security forces ang pambobomba matapos marekober ang isang eksplosibo na itinanim sa provincial capitol ng lalawigan ng Sulu kahapon ng madaling araw.

 Sa panayam, sinabi ni Lt. Col. Randolph Cabangbang, Spokesman ng AFP-Western Mindanao (AFP-Westmincom) pasado alas-2 ng madaling-araw ng itanim ng dalawang kahina-hinalang lalaki ang isang bagahe na naglalaman ng bomba sa compound ng provincial capitol.

 Napansin naman ng provincial guard na naka-duty ang nasabing mga lalaki na lulan ng motorsiklo na nag-iwan ng bagahe na natuklasang naglalaman ng bomba sa compound ng provincial capitol na kinaroroonan ng tanggapan ni Sulu Governor Abdusakur Tan.

 Tinangkang habulin ng Special Action Force (SAF) ang mga suspek pero mabilis ang mga itong nakatakas patungo sa direksyon ng Brgy. Bangkal, Patikul, Sulu.

 Agad namang na-detonate ng Bomb Explosive and Disposal Unit ng security forces ng Sulu Police at Philippine Marines  ang nasabing bomba na nadiskubreng gawa sa 81 MM mortar.

Magugunita na noong pasko ay pinasabog ang Sacred Heart Cathedral sa Jolo, Sulu na ikinasugat ng 11 katao kabilang ang nagmimisang pari na si Fr. Rick Baculcol.

vuukle comment

BANGKAL

BOMB EXPLOSIVE AND DISPOSAL UNIT

PHILIPPINE MARINES

RANDOLPH CABANGBANG

RICK BACULCOL

SACRED HEART CATHEDRAL

SPECIAL ACTION FORCE

SULU GOVERNOR ABDUSAKUR TAN

SULU POLICE

WESTERN MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with