2,135 baril ng mga pulis plinasteran
MANILA, Philippines - Upang tiyakin na hindi makakapagpaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon, plinasteran na ang dulo ng mga baril ng 2,135 pulis na nakatalaga sa buong Pangasinan kamakalawa.
Ayon kay P/Supt. Geraldo Roxas, hepe ng Police Community Relations ng Pangasinan Provincial Police Office, nanguna sa mga naglagay ng masking tapes sa dulo ng mga baril si Pangasinan PPO Director P/Senior Supt. Rosueto Ricaforte upang magsilbing halimbawa sa kaniyang mga tauhan.
Kabilang sa mga nagplaster ng dulo ng mga baril ay ang may 100-pulis na luminya sa parade grounds ng Pangasinan PPO matapos ang tradisyunal na flag-raising ceremony.
Sumunod namang nagplaster ng mga baril ang iba pang himpilan ng pulisya sa Pangasinan sa 48- bayan at ilang lungsod sa ilalim ng superbisyon ng kanilang mga hepe.
Samantala, pinangunahan rin ni Chief of Directorial Staff P/Senior Supt. Noli Talino ang pagpla-plaster sa mga inisyung baril ng mga opisyal at tauhan sa kanilang hurisdiksyon.
Nahaharap naman sa kasong kriminal at administratibo ang sinumang pulis na mapapatunayang nagpaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.
- Latest
- Trending