Lider ng NPA, 8 pa sumuko
MANILA, Philippines – Upang harapin na ang bagong pag-asa sa pagpasok ng bagong taon, sumuko sa pamahalaan ang isang lider ng mga rebeldeng New People’s Army at walo pa nitong tauhan sa Cagayan de Oro City kamakalawa. Ang pagsuko ng nasabing mga rebelde ay sa gitna na rin ng pinaiiral na 19 araw na ceasefire sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng komunistang grupo na nag-umpisa noong Disyembre 16 at tatagal hanggang sa Enero ng susunod na taon. Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 10, pinangunahan ni Brian Duhaylungsod, alyas Ka Nilo, nasa hustong gulang, platoon leader ng Samahang Yunit Pampropaganda ang pagsuko ng kaniyang grupo bandang alas-11 ng umaga ng boluntaryo ang mga itong sumurender kay Cagayan de Oro City Mayor Vicente Emano na isinurender rin ang apat na matataas na kalibre ng armas kabilang ang isang M60 machine gun. Sa inisyal na interogasyon, inamin ng mga ito na nais nilang makapiling ang kanilang mga pamilya ngayong Pasko at sama-samang ipagdiwang ang Bagong Taon kaya nagbalikloob sa batas.
- Latest
- Trending