Negosyanteng misis itinumba

BATAAN, Philippines – Napaslang ang isang 51-anyos na negosyanteng misis matapos ratratin ng maskaradong lalaki kahapon ng umaga sa Barangay Ibaba sa bayan ng Samal, Bataan. Napuruhan sa mukha si Marissa Malibiran, pinsan ni Samal Mayor Gene Malibiran, at nagmamay-ari ng café Internet shop at gym. Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, pauwi na ang biktima matapos magsimbang gabi nang harangin at pagbabarilin kung saan nakarekober sa crime scene ang limang basyo ng bala.

Show comments