^

Probinsiya

Anak minartilyo sa ulo ni tatay

- Ni Malu Cadelna Manar -

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Malungkot sa Kapaskuhan ang sasalubong sa isang pamilya makaraang martil­yuhin at mapatay ang isang anak na lalaki ng sari­ling ama noong Lunes ng gabi sa Barangay Tuael sa bayan ng President Roxas, North Cotabato.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ng pulisya na magkasamang nag-inuman ng alak ang mag-amang sina Roberto at Nel Andres kung saan matapos malango ay kapwa umuwi bandang alas-11 ng gabi.

Napag-alamang nagtalo ang mag-ama sa loob ng kanilang tahanan kung saan nagwala ang anak na lalaki dahil na rin sa pagkalango sa alak.

Gayon pa man,hindi na napigilan ang galit ng ama na senglot na rin kaya minartilyo nito ang anak sa ulo ng ilang ulit.

Isinugod sa New Cebu District Hospital bago inilipat sa Kidapawan Medical Specialist Center ang biktima subalit namatay din dahil sa pagkabasag ng bao ng ulo.

BARANGAY TUAEL

GAYON

ISINUGOD

KAPASKUHAN

KIDAPAWAN MEDICAL SPECIALIST CENTER

LUMILITAW

NEL ANDRES

NEW CEBU DISTRICT HOSPITAL

NORTH COTABATO

PRESIDENT ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with