Mag-asawa tiklo sa pekeng pera

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng mag-asawa makaraang madakip ng pulisya sa aktong nagpapakalat ng pekeng pera sa pamilihang bayan ng Solano, Nueva Vizcaya kamakalawa ng umaga.

Sumasailalim sa tactical interrogation ang mag-asawang sina Andy Kalim, 25; at Romina Kalim, 21, kapwa tubong North Cotabato at nakatira sa Taguig City.

Nadakip ang dalawa matapos magreklamo sa pulisya ang may-ari ng isa sa tindahan sa palengke na peke ang kanyang sinukliang pera mula sa mag-asawa.

Dahil dito, agad na naalerto ang pulisya kung saan naaktuhan ang mag-asawa na nagbabayad ng iba pang pekeng pera sa mga pinamiling gamit.  

Nasamsam sa mag-asawa ang P12,000 kung saan P1,600 sa mga ito ay peke.

Inaalam din ng pulisya ang posibleng operasyon ng grupo sa Cagayan, Isabela at Quirino kung saan may mga parehong insidente ang naitala.

Show comments