Bus vs trak: 11 sugatan

QUEZON, Philippines — Labing-isang pasahero ang iniulat na nasu­gatan matapos na bumangga ang pampasaherong bus sa nakaparadang trak sa gilid ng highway sa Barangay Silang ng bayan ng Guinyangan, Quezon, kamakalawa ng madaling-araw. Kabilang sa ginagamot sa St. Peter Hospital sa bayan ng Calauag ay sina Alan Bagay, drayber ng trak; Vivian Sidon, Evangeline Sidon, Leonardo Ascotia, Anabel Nodo, Anabelle Balizo, Jervie Beneroso, Evangeline Trinidad, Noel Sabdao, Rosalena Sabdao at si Patrick Valera. Ayon kay PO1 Ryan Ben Siscar, hindi napansin ng drayber ng Raymundo Bus Line (EVL991) na si Nicanor dela Cruz ang nakaparadang trak sa gilid ng highway kaya naganap ang sakuna.

Show comments