^

Probinsiya

Stude nagbigti sa kawalan ng tuition fee

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Pinaniniwalaang kahirapan sa kabuhayan at walang pambayad ng tuition fee ang nagtulak sa isang estudyante na nagbigti sa kanyang inuupahaang kuwarto sa Barangay San Maria sa bayan ng Gattaran, Cagayan noong Martes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nag-suicide na si Nomer Contillo, 20, 1st year In­forma­tion Technology student mula sa nabanggit na bayan.

Huling namataang buhay si Contillo na nakikipag-usap sa ilang boardmate bago madiskubre ang kanyang katawan na nakabitin gamit ang strap ng school identification card.

Ayon pa sa ulat ng pu­lisya, ilang araw bago maganap ang pagpapakamatay, naikuwento ng biktima sa kanyang mga kaibigan at kasintahan tungkol sa kanyang mga magulang na nahihirapang sustentuhan ang kanyang pag-aaral kabilang na ang pambayad ng tuition fee.

May posibilidad na hindi na nakayanan ng biktima ang paghihirap ng kanyang mga magulang kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan.

vuukle comment

AYON

BARANGAY SAN MARIA

CONTILLO

GATTARAN

HULING

KANYANG

KINILALA

NOMER CONTILLO

NUEVA VIZCAYA

PINANINIWALAANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with