3 tulak, tiklo sa drug buy-bust
BULACAN, Philippines – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus drug pusher ang nasakote ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa bisinidad ng Barangay Bulihan, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ni P/Senior Supt. Fernando Villanueva ang mga suspek na sina Arwin Saquilayan 37, negosyante, ng Brgy. Malagasang, Imus, Cavite; Sherwin Santiago, 30, ng Brgy. Amaya ll, Tanza, Cavite; at si Crisanto Adriano, 45, ng Brgy. Bulihan, Malolos City, Bulacan. Nabatid na si Saquilayan ay tiyuhin ng alkalde sa bayan ng Imus, Cavite. Narekober sa mga suspek ang ilang piraso ng plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P11,000 kasama ang marked money na ginamit sa operasyon.
- Latest
- Trending

















