P.4-M ransom sa 2 estudyante
MANILA, Philippines – Humingi na ng P.4 milyong ransom ang mga kidnaper ng dalawang estudyante ng Mindanao State University na dinukot sa dairy farm ng unibersidad sa Marawi City noong Martes. Sinabi ni Major Gen. Romeo Lustestica, ng Army’s 1st Infantry Division na bumuo na ng Crisis Management Committee para mapalaya sina Alcher Baricuatro, Agricultural Engineering student ng MSU at Shiela Mae Vidal, Hotel and Restaurant Management student na kapwa mag-aaral ng Seventh Day Adventist. Base sa report, kumontak na kamakalawa ang mga kidnaper sa nakatatandang utol ni Shiela na si Anna Mae Vidal, upang iparating ang hinihinging P1 milyong ransom kung saan naibaba naman sa P200,000 bawat isa. Nabatid na ang dalawa ay kinukupkop ng mga kidnaper sa kagubatan ng Tagaloan II, Lanao del Sur habang si Shiela ay napaulat na nagka-trangkaso.
- Latest
- Trending