15 sundalo sugatan sa road mishap

MANILA, Philippines - Labinlimang sundalo ang nasugatan kabilang ang apat na nasa kritikal na kondisyon makaraang bumaligtad ang sinasak­yang military truck sa Brgy. San Jose, Lictin sa Catan­duanes kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga sundalong nasa kritikal na kondisyon na sina Pfc. Jay Batanes, Private Kenneth Olivenza, Private Jerome Tongga at Pvt. Alex Bro­ta­mante na naisugod sa ospital sa bayan ng Virac.

Bahagya lamang na na­sugatan ay sina Private Kristian Visaya, Pvt. Anthony Moico, Pvt. George Norvin Nacion, Pvt. Rexon Acueza, Pvt. Jaypee Bolival, Pvt. Ariel Fornoles, Pvt. Marlon Ladio, Pvt. Sonny­ Añonuevo, Pvt. Jomar Raña, Pvt. Emmel Dolor, Pvt. Jose San Gabriel Jr., Pvt. Alex Mota, Pvt. Elmer Gayo, Pvt. Mark Ariel Sanchez, Pvt. Paulo Felices at si Pvt. Junrick C. Es­telloso.

Ayon kay Lt. Col. Danilo Aquino, kumander ng Army’s 83rd Infantry Battalion, kagagaling lamang sa security ope­ration sa kapitolyo ng Virac ang mga biktima kaugnay ng selebrasyon ng International Human Rights Day.

Lumilitaw na pabalik na sa kampo sa bayan ng San Andres ang mga biktima nang mawalan ng preno ang truck sa makipot na daan sa Brgy. San Jose. 

Show comments